Nanganganib ang baranggay Antukin ni Datu Makatulog! Dumating muli ang panggulong si Agondon. Upang inisin si Datu Makatulog, kinuha niya ang Agimat ng Badjao at ang ANIM NA PERLAS ng kanilang baranggay. Pare-parehong mahahalagang kayamanan ng kanilang nayon iyon. Bilang isang mabuting datu at matalik na kaibigan ni Datu Makatulog, kunin mo ang agimat at ang mga perlas mula kay Agondon! Tinago niya ang mga iyon sa iba't ibang sulok ng madilim na kuwebang malapit sa ilog Agos. Pagpalain nawa ni Bathalang- Maykapal lahat ng kanyang nilalang!
---Paano Laruin--- Para gumalaw, gamitin ang navigation keys. Maaari ring makatulak ng mga bagay gamit ang mga ito. Diinan lamang ang pindot nito para umatake. Kapag pinindot ang key na agad na nasa ilalim ng 'menu' bubuksan nito ang Main Menu screen. 
